Sunday, June 8, 2008

TUMAHIMIK. UMIYAK && MAGDASAL.

I really don't know how to start this entry.
Basta ang alam ko .. hindi ako ok.

Dumadating sa buhay natin ung mga problema. Problemang easy lang. at syempre hindi mawawala ung Problemang Tagus-tagusan. Kadalasan may mga taong hindi iniinda ung mga problema. Ung hindi nalang nila pinapansin. basta masaya sila. wala silang pakelam. Meron ding mga taong maliliit palang sinusulusyunan na. Pag ako may problema (like now) natatanong ko sa sarili ko ..

BAKIT AKO? BAKIT HINDI SILA? BAKIT AKO PA NA HINDI NAMAN MASAMANG TAO? ...

Hanggang sa araw na to nakausap ko ang isang malapit na tao sakin. I ask her kung MALI BANG SUSUKO NA AKO. sinabi nyang KAILANGAN LABANAN KO. tulad nung sinabi ko sa kanya nung down sya,

PUMUNTA SA CHURCH MAGDASAL. AT KAY JC ILABAS ANG NARARAMDAMAN. SURE NA GAGAAN ANG PAKIRAMDAM MO.

Ganun ako every time na may problema ako na sobrang hindi ko kinakaya. Minsan gusto ko nang sumuko pero hindi ko ginagawa dahil may TRUST ako sa kanya ( kay JC ) ...

May pagkapersonal to pero ikukwento ko na.

Matagal na akong hindi nagiging masaya tulad nung dating AKO. 7months na siguro ang nagdaan nung huli kong naramdaman ung saya na ngaun hinihiling kong bumalik. Hinihiling kong bumalik sya pero parang IMPOSIBLE na. Yun ang problema

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT:]

Pero biglang may dumating na panibagong problema. Naospital ang mami ko dahil sa KAPATID KO:] At Biglang NAGSULPUTAN ANG MGA DEMONYO SA PALIGID NAMEN. Dati na silang andyan Actually lagi silang nasa paligid namen. Walang ibang alam gawin kundi BIGYAN KAMI NG PROBLEMA KAMING PAMILYA. Nanggigigil ako sa galit. Pero wala akong magawa kundi

TUMAHIMIK. UMIYAK. && MAGDASAL.

Ngayon ko naranasang HUMARAP SA PROBLEMA NG MAG ISA.

Natatakot ako baka anong mangyari sa mami ko. Galit ako sa kapatid ko. Galit ako sa mga demonyong nakapaligid samin. At galit ako sa mga taong hinuhusgahan ang pamilya ko.

Lastnyt .. umalis ako. Pagpunta sa place na makakapag relax ako ng ako lang mag isa. Umalis ako ng di nagpapaalam sa mga tao dito sa bahay namen. Pag dating ko bigla akong pinagsasampal ng lola ko. Nagsalita sya ng sobrang sakit na mga salita pero hindi ko pinansin pero ang totoo masakit. Wala parin akong ginawa kundi

TUMAHIMIK. UMIYAK && MAGDASAL.

Pag gising ko kaninang umaga, Nagrarap nanaman ang lola kong rapper. Kaya nagising ako ng NABUBWISIT.

MASAMA ANG LOOB && MASAKIT ANG ULO KAKAISIP SA MGA PROBLEMA KO.

Hanggang sa dumating ang daddie ko galing ospital. Tahimik akong nakaharap sa pc. Nang bigla syang lumapit at sinampal ako. Nagulat ako. Wala parin akong nagawa kundi

TUMAHIMIK .. UMIYAK && MAGDASAL.

Pero naiitindihan ko ang tatay ko. Mali ako dahil umalis ako last nyt ng hindi nagpapaalam sa mga tao dito sa bahay namen.

Magkasama lang kami dito sa bahay ng tatay ko ngayon at tinxt ko sya ng ganto

"HINDI MO AKO KAILANGANG SAMPALIN. PWEDE MO AKONG KAUSAPIN NG MAAYOS. PERO AUS LANG DYAN KA MASAYA DBA? SORRY KUNG UMALIS AKO KAGABI. GUSTO KO LANG MAGRELAX. HINDI LANG IKAW ANG MAY PROBLEMA DADDIE. AKO DIN"

sumagot naman sya.

"Sorry nak. ako muna bahala sa mami mo. Sorry kung nasampal kita alam mo namang mainit ang mata nila satin. at hindi nila tayo tatantanan hangga't hindi nila nakikitang naghihirap tayo."

yan ang KUMPLETONG PAG UUSAP NAMEN SA TXT.

Hanggang kelan matatapos lahat ng toh? Hanggang kelan ko mararamdaman na kasalanan ko ang bagay na hindi ko naman ginawa. Hanggang kelan ako hindi tatantanan ng demonyong nakapaligid sakin? Hanggang kelan ko haharapin to ng mag.isa? AT HANGGANG KELAN AKO MASASAKTAN NG GANTO?

Ngayon e2 ako. TAHIMIK .. UMIIYAK AT NAGDADASAL.

Sorry kung dito ko pa nilabas to. Kailangan ko lang mailabas lahat ng to:[